I was here.

I watched him as he packed his things. I had no idea about this. I never saw this coming. Us, parting ways, was never one of our plans. I should have expected this right from the very beginning.

"You’re leaving" I said.

"I’m leaving," he affirmed, "but not without you."

"Eh, diyan na lang para kunyari busy street"
"Doon na lang kasi sa may pintuan para kunyari vintage," he pouted as he got so shy with the perfection of the eyes staring into the small peephole of his North Star’s film camera. 

It feels good, right? To know that someone would be willing to stay, no matter what you put them through. That someone would still wait, no matter how long the waiting has to be. Or that someone would still remain the same despite all the pain, or love you just the same, even though that love goes unrequited or unappreciated. 


But wouldn’t that be unfair? To expect someone to stay forever, to wait for you forever, though you know you don’t have any intentions of coming back? Isn’t it unfair, to treat someone like shit, hurt him, ignore him, and disregard him, and still expect that person to stay the same, to love you just the same? 

(via unconventionalpoindexter)

Fragmented

I.

Si Helena,
likha ng pag-iisip,

at imahinasyon.

Na parang buhangin na paubos, tinatangay
ng hangin.

Unti-unting nawawala,
naglalaho bawat segundo.

At si Julio,

naglalakad sa kawalan, hindi alam kung saan tutungo.

II.

Nilalabanan ng kanyang katawan ang naghahalong lamig ng takipsilim at init ng kanyang damdamin. Natanaw ni Julio ang lugar kung saan nabuo ang iniiwasang mga alaala. Umakyat siya sa bakal na harang sa gilid ng tulay, ipinikit ang mga mata, at niladlad ang mga kamay na wari’y mga pakpak na magpapadala sa hangin. Pinakiramdaman niya ang lamig ng hangin sa kanyang mukha, Hinayaan nitong tangayin ang kanyang kamalayan at ang pagsamo ng mga alaala na ‘di malilimutan.

Kailanman.

Ang pagsamo ng mga
alaala na
‘di na malilimutan kailanman.

III.

Noong bata pa lamang si Julio ay hilig na nito ang pag-upo sa isang kawayang tulay habang iwinawasiwas ang kanyang mga paa sa kailaliman. Hindi ito nakikipaglaro tulad ng ibang mga bata sa kanilang lugar. Kung hindi man kinukutya, ay iniiwasan ito dahil sa pag-aakalang nakakakita ng mga espiritung ligaw na haka-haka ng mga matatanda.

Sa tulay na ito ay nabuo ang isang pagkakaibigan na bumuo sa kanyang pagkatao.

Si Helena, isang imahinasyon.

Ang natatanging sandigan ni Julio sa mga panahong ‘di na alam ang matatakbuhan mula sa mga masasakit na nakikita sa kanilang tahanan. Kung hindi ito tatakas mula sa hampas at galos ng kanyang pagkabata, marahil ay pilay na ito— pilay na ang mentalidad sa buhay at reyalidad.

Lumaki si Julio na ang tanging takbuhan mula sa mga pasakit sa buhay ay ang tulay at si Helena. Minsa’y wala silang ibang gawain kundi ang tanawin ang mga bundok na napapalibutan ng luntiang mga puno, kasunod ang pagbato sa tubig ng ilog na umaagos sa ilalim ng mga kahoy na dinadala sila sa lawak ng itaas.

Nakatapak sa harang na kawayan si Helena at ginugulo ng hangin ang kanyang buhok. Sa tabi niya ay si Julio na nakataas ang isang kamay, habang ang isa’y hawak ang maputlang kamay ng pag-ibig. Tinatanaw ng dalawa ang bundok na maaabot lamang ng mga mata at ng kanilang pinag-isang diwa.

Tuwang-tuwa ang mag-irog sa pagtanaw ng mundo na kanilang kinagisnan. Mga bundok na sa araw lamang na iyon naaninag ang kagandahan, ang hampas ng tubig sa mga bato na dumadaloy sa kanilang ilalim, at ang napakalawak na kalangitan kung saan malayang nakakapaglakbay ang kanilang isipan.

Si Julio na nabubuhay sa kanyang sariling mundo.
At si Helena na mundo sa mundo ni Julio.

IV.

Ginising ng maingay na paghampas ng kahoy ang kanyang diwa mula sa pagkakahimbing. Ingay na gumulo sa kanyang isipan, ingay na nagtulak na bumangon at ilapag ang mga paa sa malamig na sahig. Paghawi ng kurtina mula sa kanyang silid ay nakitang nakahandusay ang naghihinagpis na ina habang may hawak na kahoy ang amang lunod sa alak. Alam na ni Julio ang kanyang gagawin, dahil sa araw-araw ng kanyang paghinga ay memoryado na nito ang bawat hakbang ng kanyang mga paa at ang pagsigaw ng ina, “Lumabas ka muna, anak”.

Dali-dali itong tumakbo palabas ng silid habang tinatakpan ang mga tainga at nagtungo sa kanyang kanlungan. Ngunit hindi na nito matanaw ang eksaktong tulay— wala na ang mga kawayang harang at binabaklas na ang ilang parte ng mga kalalakihan.

Hindi ito makalapit dahil sa harang ng mga nagtatrabaho.

Sa gitna ng ingay at gulo ng pagkawasak ng nagsilbing tahanan ng kaniyang payapang diwa ay si Helena na sumisigaw ng tulong. Hindi maintindihan ni Julio kung bakit ‘di makatakbo mula sa tulay si Helena papunta sa kanyang kinatatayuan. Walang ibang magawa si Julio kundi ang umiyak at mabalisa sa nakikitang paglisan ng kanyang minamahal habang ginigiba ang nagdurugtong sa kanilang mga puso at isipan.

V.

Napakabilis ng paglaho ng kanyang pangarap na mismong kanyang mga mata ang nakakasaksi. Mas mabilis pa sa pagtakbo at paglipas ng mga

segundo,

   minuto,

      at oras

na hindi niya maibabalik kailanman. Kahit anong pilit ng mga kamay ni Julio na abutin at habulin ang naglalahong iniibig ay ‘di ito magawa.

Ang tanging kinakayang gawin ni Julio ay ang makita ang paglaho ni Helena habang umiiyak at nagsusumigaw ang hinagpis sa kanyang puso.

Alam niyang hindi na ito muling makikita.

Alam niyang maiiwan na lamang ang kanilang

mga alaala

—   na magiging multo ng

   nakaraan

  — na ‘di na mababalikan.

VI.

“Ito na ang kinakatakot ko,
            mawawala ka na sa akin,
            mawawala na ang likha ng isip ko na tayo,
            mawawala na ang sarap sa pakiramdam,
                                                   mga pangarap,
                                                   mga gusto nating mangyari.

Itong mga ‘to na alam kong ako lang ang gumawa.

Kasama ng paglaho mo ay ang
paglaho ng mga alaala na ako lang din ang may likha.

Mga kasinungalingan na akala ko’y totoo,

ngunit sa huli, ay mga kasinungalingan na hinayaan kong buhayin ako araw-araw.
Mga kasinungalingan na nakapagpaginhawa sa akin sa mga panahong damdamin ko’y nangungulila.
Mga kasinungalingan na pumukaw sa puso ko na tumibok at bumuo ng tulad mo

na gigising lang din pala sa akin sa katotohanang
ikaw ay aking likha

lamang.”

VII.

Oras, araw at taon na ang lumipas, tulala pa rin si Julio at nakatingin sa malayo sa labas ng kanilang bintana. Hindi ito magalaw o makausap ng sino man. Ngunit sa araw na ito, mula sa kanyang kinauupuan, naaninag ni Julio ang taong matagal nang gustong hagkan.

Iniihip at binulong ng hangin ang pangalan ng babae sa kanyang mga tainga. Kinuha niya ang kanyang salamin at isinuot upang makita pang mabuti. Ikinurap pang minsan ni Julio ang talukap ng mga mata. Ngunit tulad ng noon, ay naglahong muli ang babae sa isang iglap, na tinangay ng agos ng panahon at pagsisisi.

Kinain na ng lungkot at pangungulila ang kabuuan ni Julio. Nagpasya itong lumisan mula sa kanyang kinauupuan na ilang oras nang naghihintay sa ‘di matukoy na kadahilanan.

Maraming katanungan ang pumasok sa kanyang isipan. Mga katanungan na sa tingin nya ay walang kasagutan, ngunit mga katanungan na siya lang pala ang kasagutan.

Ipinikit ni Julio ang kanyang mga mata at naisip na maglakad nang maglakad hanggang maidala ng kanyang mga paa sa kung saan man. Naaninag niya ang mga naipong kawayan na nakatapon sa isang banda na pilit itong hinahatak patungo sa kanila, at pilit ibinubulong ang mga alaala.

Sa tulay na ito ay nabuo at nawasak ang isang pagkakaibigan na sumira sa kanyang pagkatao. Tulay na nagdurugtong sa kanyang reyalidad at mga likhang konsepto.

VIII.

Si Helena,
ang pagmamahal na
                   naglaho

At si Julio,
di na muling mabubuo

Dear Patrick,

I do think it is for the best of us to part ways. I ain’t good enough, and I think I don’t function that well. It has been nice knowing you though.

We’ll meet each other one day and maybe, just maybe, ugh I don’t know.

Hey hey hey! It has been a long time since the last time I updated this with a legit post. What I’ve been up to? Well actually, a lot.

One is, for the last few months, something has been bothering the hell out of me and might make me insane if this persists. I won’t consider on sharing it to you guys though.

Right now, I’m in the mid of dealing with a fucked up life, and I must admit I wanna get out of here cuz everything’s not just right. Lol, this is starting to sound like a suicide note. Yes. I have been having ideations, but I have learned to manage them and not control me.

I just hope people people won’t get tired of me, especially friends who had been dealing with my roller coaster emotions for the past weeks or so. Shoutout to Jeff and Josh who’re with me through whatever, and in trying to help me deal with this life. The have been my sponges for all the negativity in my life and my tendencies to overthink things.

Btw, Frozen has been my companion with this challenge that I have been experiencing, so I do apologize if I talk to you and  start singing Do you want to build a snowman? 

Cus Jervy’s a dear friend [x]

Yo friends and fellow citizens!

I’m one of the representatives of our university in this year’s PAPJA convention’s Pinoy Psyclips (this is an annual bonggz na convention and is a national competition as well). We were able to get through the screening round, and now we need your help by liking our entry! This film was directed by your truly.

Here’s how you can help us bring home the crown, chos, kunyari Miss Universe:

Please like this video on YouTube:

http://www.youtube.com/watch?v=f_G48kwEcio

and also Psychological Association of the Philippines’ post here:

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=10151814347241268&id=148851815387&stream_ref=10

Let’s go you guys!!!!!